May mga kwento talaga na parang galing sa pelikula—pero totoo. Tulad na lang ng kwento nina Rosiell at Rudy De Leon, na nagsimula ng negosyo gamit lang ang ₱20. Oo, tama ang basa mo—dalawampung piso lang ang puhunan nila.
Pero dahil sa tiyaga, diskarte, at pananampalataya, naging milyonaryo sila mula sa ice candy business. Ngayon, libu-libo na ang ice candy na ginagawa nila araw-araw, may sariling pabrika, at delivery trucks.
Basahin mo hanggang dulo—baka ito na ang sign na matagal mo nang hinihintay para simulan ang sariling negosyo mo.
Paano Nagsimula ang Lahat
Taong 2011, halos wala nang pera ang mag-asawa. Tanging ₱20 na lang ang natitira sa bulsa ni Rosiell. Pero imbes na sumuko, naisip nilang bumili ng ice bags, nilagyan ng tubig at i-freeze. Ibinenta nila ang ice sa kanilang mga kapitbahay sa halagang ₱3 kada piraso.
Naubos eto at kumita sila ng ₱300. From this income, naisipan nilang i-level up ito—gumawa sila ng ice candy.
From the ₱300, bumili sila ng gatas, asukal, flavoring at nagtimpla ng ice candy. “Sabi namin, subukan na lang,” kuwento ni Rosiell.
From Side Hustle to Serious Business
Nang makita nilang mabenta ang ice candy, nagdagdag sila ng iba’t ibang flavor. Gumawa rin sila ng paraan para mapalawak ang negosyo—nilapitan nila ang mga sari-sari store sa barangay.
Ang offer nila? ₱5 ang benta, ₱4 lang ang bayad ng reseller. Kumikita ang tindera ng piso kada piraso, habang sila ay nakakabenta ng mas marami.
“Win-win. Hindi lang kami ang kumikita, pati ang mga kapitbahay naming tindera,” ayon kay Rodolfo.
Pero ang tunay na big break?
Ayon sa anak nila, wala pang ice candy na binebenta sa school nila. So sinubukan nila ialok at pinayagan sila na magbenta. Dito na nagsimula ang school distribution model nila.
From one school, naging hundreds of schools na sa Rizal at iba pang parte ng Metro Manila.

Growth and Expansion
By 2016, nagdi-distribute na sila sa 136 schools sa Antipolo, Pasig, Quezon City, at Rizal. Meron na silang dalawang sariling pabrika, kayang gumawa ng hanggang 60,000 ice candy kada araw.
Kaya din patok ang produkto nina Rosiell at Rudy ay dahil dekalidad ang ingredients na gamit. Ang Bianca’s Ice Cany ay gawa sa high quality milk and real fruits!
Nag-level up din ang produkto:
- 24 flavors (ube, chocolate, buko pandan, mango, etc.)
- ₱3 lang ang benta—affordable para sa lahat
- May sariling packaging at brand identity
Ano’ng Meron sa Kwento Nila?
- Sipag at tiyaga. Walang instant success—araw-araw silang gumagawa at naghahanap ng paraan para dumami ang benta.
- Diskarte. Nakipag-partner sa schools at tindahan, hindi lang naghintay ng customer.
- Pakikisama. Binibigyan ng kita ang ibang tao sa paligid nila.
- Re-invest. Imbes na gamitin agad ang kita, bumili sila ng gamit—freezer, ingredients, sealer, trucks.
Pwede Mo Rin Bang Gawin Ito?
YES! Kaya rin ng isang regular na empleyado, nanay, o kahit estudyante. Hindi mo kailangang maghintay ng milyon-milyon para makapagsimula.

Eto ang basic na kailangan mo para magsimula ng ice candy business:
✅ Mga Kagamitan:
- Plastic for ice candy (may nabibili na pre-cut at food grade)
- Sealer (₱500–₱1,000 lang sa online shops)
- Measuring cups, baso, at lutuan
- Chest freezer or kahit regular na freezer muna
✅ Basic na Sangkap:
- Gatas (evaporada at condensada)
- Flavoring (pwede rin fresh fruits like mango or buko)
- Asukal
- Tubig
✅ Process:
- I-mix ang sangkap hanggang sa maging creamy at malasa.
- I-funnel sa plastic at i-seal.
- I-freeze overnight.
- Ibenta sa mga kapitbahay, tindahan, o ka-opisina.
Pwede kang magsimula sa ₱300–₱500 puhunan. Basta consistent ka, puwedeng maging libo na ang kita mo linggo-linggo.
✅ Puwede Mo Ring Gamitin sa Iba’t Ibang Setup
- Office canteen o pantry – ibenta sa co-workers
- School baon ng anak mo – pwedeng maging suki ang mga kaklase
- Online orders via Facebook – mag-post lang, at magpa-deliver
- Sari-sari store partnership – bigyan mo ng stock, hati kayo sa kita
Encouragement for First Time Entrepreneurs
Maraming natatakot magsimula dahil akala nila kailangan ng malaking kapital. Pero kung titignan mo ang kwento nina Rosiell at Rudy, wala sa laki ng puhunan ang sikreto.
Ang importante:
- May malasakit ka sa produkto mo
- Marunong kang makipag-usap sa tao
- Marunong kang mag-adjust kapag hindi mabenta
- Hindi ka sumusuko agad
Kung kaya nila galing sa ₱20, kaya mo rin mula sa kung anong meron ka ngayon.
Need Capital to Start? SweldoNa Can Help
Kung iniisip mo, “Wala akong extra na pera para sa puhunan,” huwag mag-alala.
SweldoNa by GWC is here to help.
SweldoNa offers easy-to-apply salary advance loans para sa mga empleyado na gustong magsimula ng negosyo, tulad ng ice candy, leche flan, kakanin, o bottled drinks.
Paano Mag-Avail?

- First step, ipa-partner ang kumpanya niyo sa SweldoNa.
- Kapag partner na, pwede ka nang mag-apply ng salary advance.
- Gamitin ito bilang puhunan para sa negosyo mo—hassle-free, mabilis, at abot-kaya.
Hindi mo na kailangan mangutang sa 5-6. Hindi mo rin kailangang maging eksperto o milyonaryo para magsimula ng negosyo.
May legit and employee-friendly solution ka na ngayon.
Minsan, isang maliit na tulong lang ang kailangan para makapagsimula. Kaya kung may pangarap ka para sa sarili mo o sa pamilya mo, SweldoNa by GWC ang sagot.