Naghahanap ka ba ng negosyo na hindi kailangan ng malaking puhunan? Maraming pagkakakitaan ang maaari mong simulan sa halagang wala pang ₱10,000!
Kung gustong magkaroon ng extra income o magtayo ng iyong sariling maliit na negosyo ang blog na ito ang sagot sa inyong pangarap.
Sa blog na ito, tatalakayin natin ang ilang low-capital business ideas na maaaring patok ngayong. Ibibigay namin sa iyo ang mga konkretong halimbawa ng mga negosyo na maaaring mong simulan sa mababang puhunan, kung magkano ang maaaring mong kitain, at ilang tips upang maging matagumpay sa iyong entrepreneurship journey.
Kaya kung ang iyong budget ay limitado ngunit ang iyong pangarap na magnegosyo ay malaki, basahin mo ang aming mga suhestiyon!
1. Online Reselling
Ano ito? Ang online reselling ay ang pagbili ng mga produkto sa mas mababang presyo mula sa Divisoria, Taytay, o mga online supplier sa platforms tulad ng Shopee at Alibaba.
Pagkatapos, ibinebenta mo ang mga ito online sa mas mataas na halaga sa mga mamimili gamit ang mga platform tulad ng FB Marketplace, Lazada, at Shopee.
Magkano ang puhunan? Ang kinakailangang puhunan para sa online reselling ay karaniwang nasa pagitan ng ₱3,000 hanggang ₱10,000.
Ang halagang ito ay depende sa uri at dami ng mga produktong nais mong bilhin bilang iyong panimulang stock. Mahalagang maglaan din ng kaunting halaga para sa posibleng gastos sa packaging at pagpapadala.
Ang mga produktong maaaring ibenta ay iba-iba, mula sa mga accessories at damit hanggang sa mga gadgets at gamit sa bahay.
Bakit ito magandang negosyo? Ang online sellling ay magandang negosyo dahil hindi ito nangangailangan ng malaking kapital upang makapagsimula, at mayroon itong malawak na online market.
Bukod dito, maaari ka magbenta ng iba’t ibang uri ng produkto depende sa kung ano ang patok sa target market mo at kung ano ang iyong interes.
Nagbibigay din ito ng flexibility dahil maaari mong pamahalaan ang iyong negosyo kahit saan at kahit kailan mo gusto.
Potensyal na Kita: Depende sa iyong patong sa presyo (mark-up) at sa dami ng mga produktong iyong mabebenta, ang iyong kita ay maaaring mag-iba.
Mahalagang magsagawa ng pananaliksik sa mga produkto na may mataas na demand sa mga online selling sites upang mas mapalaki ang iyong potensyal na kita.
Tips para mas kumita:
- Maghanap ng mga trending at mabentang produkto online.
- Kilalanin nang mabuti ang iyong target na mamimili at ang kanilang mga pangangailangan.
- Gumamit ng mataas na kalidad na mga litrato ng iyong mga produkto para ipakita online.
- Maging aktibo sa pagpo-promote ng iyong mga produkto sa iba’t ibang social media platforms.
2. Food or Snack Business
Ano ito? Ang negosyong pagkain o meryenda ay ang pagluluto o paggawa ng mga homemade snacks o meals na ibinebenta sa ibang tao.
Maaaring kabilang dito ang iba’t ibang uri ng baked goods tulad ng cookies at cake, mga paboritong Pinoy meryenda tulad ng siomai, kakanin, lumpia, at maging ang banana cue.
Ito ay isang paraan upang pagkakitaan ang iyong talento sa pagluluto o pagbe-bake.
Magkano ang puhunan? Ang puhunan na kinakailangan para sa negosyong ito ay karaniwang nasa pagitan ng ₱1,000 hanggang ₱5,000.
Ang halagang ito ay pangunahing gagamitin sa pagbili ng mga kinakailangang sangkap at mga materyales para sa packaging ng iyong mga produkto. Maaaring magkaroon ng karagdagang gastos depende sa iyong mga kagamitan sa pagluluto o pagbe-bake.
Bakit ito magandang negosyo? Ang pagkain ay isang pangunahing pangangailangan, kaya palaging may market para dito. Ang mga homemade na produkto ay madalas na pinahahalagahan dahil sa kanilang sarap at pagiging bago.
Ito ay isang negosyo na maaaring simulan sa maliit na puhunan, lalo na kung mayroon ka nang mga pangunahing kagamitan sa pagluluto.
Potensyal na Kita: Ang iyong kita ay depende sa iyong presyo kada produkto at sa dami ng iyong benta. Mahalagang mag-alok muna sa iyong mga kamag-anak at kaibigan upang makakuha ng feedback at positibong mga review na makakatulong sa pag-akit ng mas maraming customer.
Tips para mas kumita:
- Mag-alok ng mga masasarap at kakaibang produkto.
- Gumamit ng kaakit-akit at sanitary na packaging.
- I-promote ang iyong mga produkto sa social media at hikayatin ang iyong mga customer na magbahagi ng kanilang mga positibong karanasan.
3. Loading Station
Ano ito? Alam mo ba na puede ka puwede kang maging parang tindahan ng cellphone load (Smart, Globe, TNT, TM) at mag-offer din ng paglalagay ng pera sa mga e-wallet tulad ng GCash at Maya?
Kailangan mo lang magparehistro bilang agent sa mga network tulad ng Smart at Globe. Madali lang din maging agent ng GCash at Maya – kadalasan, online lang ang pag-sign up.
Magkano ang puhunan? Ang puhunan na kinakailangan para sa negosyong ito ay hindi masyadong malaki, karaniwang nasa pagitan lamang ng ₱500 hanggang ₱2,000. Ang halagang ito ay gagamitin bilang iyong panimulang balanse o “floating money” para sa pagbebenta ng load at para sa mga transaksyon sa e-wallet.
Bakit ito magandang negosyo? Sa panahon ngayon, halos lahat ay may cellphone at gumagamit ng internet. Palaging kailangan ng load para makatawag, makapag-text, at makapag-internet.
Marami rin ang mas gustong magbayad gamit ang GCash o Maya dahil mas mabilis at mas madali ito. Kaya, siguradong maraming magiging customer mo! Dagdag pa, puwede mo itong gawin kahit saan at kahit kailan mo gusto, basta may cellphone ka lang.
Ang negosyong ito ay bukas sa lahat dahil hindi kailangan ng malaking puhunan o espesyal na kasanayan, kaya’t ang maybahay, estudyante, kasambahay, may-ari ng sari-sari store, o empleyado ay madaling makapagsimula at kumita. Maaari kang magbenta bilang dagdag na kita o pangunahing hanapbuhay.
Potensyal na Kita: Ang iyong kita sa pagbebenta ng load ay karaniwang nasa 2% hanggang 5% ng halaga ng bawat benta.
Sa e-wallet cash-in, maaaring mayroon kang fixed fee kada transaksyon o kaya ay isang porsyento ng halagang na-cash in.
Kung mas marami kang customer at mas madalas silang mag pa-load or transfer sa e-wallet, mas malaki ang iyong potensyal na kita.
Tips para mas kumita:
- Kilalanin ang iyong target market at alamin kung anong uri ng load at e-wallet services ang madalas nilang kailangan.
- Mag-alok ng iba’t ibang denominations ng load.
- Maaari ka ring mag-promote ng iyong serbisyo sa iyong mga kapitbahay at kaibigan.
4. Sari-Sari Store Starter Kit
Ano ito? Magsimula ng maliit na tindahan sa inyong lugar na nagbebenta ng mga pangunahing pangangailangan.
Magpokus sa mga produktong madaling maubos at palaging binibili tulad ng kendi, instant noodles, kape, asin, asukal, at iba pa.
Magkano ang puhunan? Kailangan mo ng mga ₱5,000 hanggang ₱10,000 para sa panimulang paninda.
Bakit ito magandang negosyo? Ang sari-sari store ay laging kailangan sa mga komunidad. Madaling lapitan ng mga tao kapag mayroon silang biglaang kailangan. Kung maganda ang iyong lokasyon at mayroon kang mga produktong hinahanap ng mga tao, tiyak na magkakaroon ka ng mga customer.
Potensyal na Kita: Ang kita sa sari-sari store ay depende sa dami ng iyong benta at sa iyong patong sa presyo. Karaniwan, ang patong ay nasa 10% hanggang 30% depende sa produkto.
Kung mas maraming tao ang bumibili sa iyong tindahan, mas malaki ang iyong kita. Ang kita mo kada araw ay maaaring magsimula sa ilang daang piso at tumaas depende sa iyong benta.
Tips para mas kumita:
- Mas maraming tao ang makakakita sa iyong tindahan kung ito ay malapit sa mga kabahayan o sa lugar na maraming dumadaan.
- Mag-alok ng iba pang serbisyo, tulad ng pagbebenta ng load. Ito ay maaaring makahikayat ng mas maraming customer.
5. Printing Services
Ano ito? Kung mayroon ka nang printer, maaari kang mag-offer ng pagpi-print ng mga dokumento, litrato, at iba pa.
Magkano ang puhunan? Kung may printer ka na, ang kailangan mo lang ay mga ₱3,000 hanggang ₱5,000 para sa tinta, papel, at iba pang gamit.
Bakit ito magandang negosyo? Maraming tao ang nangangailangan ng printing services, lalo na ang mga estudyante at mga taong nagtatrabaho.
Kung mayroon kang printer sa bahay, maaari mo itong gawin kahit kailan mo gusto.
Potensyal na Kita: Ang kita mo ay depende sa iyong singil sa bawat print.
Karaniwan, ang singil sa black and white printing ay nasa ₱1 hanggang ₱5 kada pahina, at mas mataas para sa colored printing at photo printing.
Kung marami kang customer, maaari kang kumita ng ilang daang piso kada araw.
Tips para mas kumita:
- Magdagdag na ibang serbisyo katulad ng laminating at pagkuha ng ID pictures para may karagdagang kita.
- Mag-offer ng competitive na presyo.
- Maging mabilis at maaasahan sa iyong serbisyo pero siguraduhing maganda ang kalidad ng iyong print.
6. Plant Business
Ano ito? Magbenta ng mga halaman sa paso, succulents, o herbs.
Magkano ang puhunan? Kailangan mo ng mga ₱2,000 hanggang ₱5,000 para makabili ng mga panimulang halaman, paso, at lupa.
Bakit ito magandang negosyo? Maraming tao ang mahilig magpaganda ng kanilang bahay gamit ang mga halaman. Ang paghahalaman ay isa ring popular na hobby.
Potensyal na Kita: Ang kita mo ay depende sa uri ng halaman at sa iyong patong sa presyo. Ang ilang mga halaman, lalo na ang mga kakaiba o in-demand, ay maaaring ibenta sa mas mataas na presyo.
Kung marami kang mabenta, maaari kang kumita ng maganda.
Tips para mas kumita:
- Pumili ng mga halamang madaling alagaan at patok sa mga mamimili.
- Magbigay ng tips sa iyong mga customer kung paano alagaan ang kanilang biniling halaman.
7. Ukay-Ukay or Thrift Flipping
Ano ito? Bumili ng mga damit sa ukay-ukay, linisin at plantsahin ang mga ito, at ibenta online.
Magkano ang puhunan? Maaari kang magsimula sa ₱1,000 hanggang ₱5,000 para sa iyong unang bilihan ng mga damit.
Bakit ito magandang negosyo? Sa panahon ngayon, mas maraming tao ang nagiging conscious sa kanilang kapaligiran.
Ang pagbili ng pre-owned na damit ay isang paraan para mabawasan ang textile waste at maging responsable sa pagkonsumo. Dahil dito, mayroon kang market na sumusuporta sa ideyang ito.
Potensyal na Kita: Ang kita mo ay depende sa kung gaano mo kamura nabili ang mga damit at magkano mo ito maibebenta.
Kung marunong kang pumili ng mga de-kalidad at magagandang damit, maaari kang kumita ng malaki.
Tips para mas kumita:
- Maging mapanuri sa pagpili ng mga damit sa ukay-ukay. Hanapin ang mga branded, magaganda ang tela, at walang masyadong sira.
- Kumuha ng magagandang litrato ng iyong mga produkto.
- Magbenta online sa mga platform tulad ng Facebook, Instagram, o iba pang online
8. Tutoring Services
Ano ito? Kung mahusay ka sa isang subject, tulad ng Math o English, maaari kang mag-offer ng tutoring online o personal.
Magkano ang puhunan? Halos walang puhunan. Maaaring kailanganin mo lang mag-print ng ilang materials.
Bakit ito magandang negosyo? Palaging may pangangailangan para sa tutoring. Ang mga estudyante sa iba’t ibang antas (elementarya, high school, kolehiyo) ay maaaring mangailangan ng tulong sa kanilang pag-aaral.
Ang mga magulang ay handang magbayad para matiyak na ang kanilang mga anak ay natututo at nagtatagumpay sa paaralan.
Potensyal na Kita: Maaari kang sumingil ng kada oras. Ang presyo ay depende sa iyong expertise at sa iyong target na market. Maaari kang kumita ng ilang daang piso kada oras.
Tips para mas kumita:
- Ipaalam sa iyong mga kakilala at sa social media ang iyong serbisyo.
- Mag-offer ng introductory rates o packages.
- Humiling ng feedback sa iyong mga estudyante para mapabuti ang iyong serbisyo.
9. Freelance Services
Ano ito? Ang freelance services ay ang pag-aalok ng iyong mga kasanayan at serbisyo sa iba’t ibang kliyente o kompanya nang hindi ka permanente nilang empleyado. Ikaw ang nagtatakda ng iyong sariling oras, proyekto, at singil.
Ang mga halimbawa nito ay ang pagsusulat ng mga artikulo o copy, paggawa ng mga disenyo (logo, posters, social media graphics), pag-eedit ng mga video, at pamamahala ng mga social media accounts para sa iba.
Magkano ang puhunan? Ang pangunahing puhunan mo ay ang iyong internet connection at ang iyong natatanging mga kasanayan.
Upang mas mapahusay ang iyong mga graphics o video, maaari kang gumamit ng mga tool tulad ng Canva o CapCut. Bagama’t mayroon silang mga libreng bersyon na mahusay para sa pagsisimula, nag-aalok din sila ng mas maraming feature sa pamamagitan ng mga subscription na nagkakahalaga mula ₱500 hanggang ₱3,000, depende sa app at sa tagal ng iyong paggamit.
Ang mga tool na ito ay maaaring makatulong na mas maging propesyonal ang iyong mga gawa at mas makaakit ng kliyente.
Bakit ito magandang negosyo? Isa sa pinakamalaking bentahe ng freelancing ay ang kakayahang magtrabaho kahit saan at kahit kailan mo gusto.
Bilang freelancer, ikaw ang humahawak ng iyong oras at maaaring magtrabaho ayon sa iyong sariling kagustuhan at schedule.
Potensyal na Kita: Ang kita mo ay depende sa iyong kasanayan, sa iyong singil, at sa dami ng iyong clients. Maaari kang kumita ng malaki kung mahusay ka sa iyong larangan at marami kang projects.
Tips para mas kumita:
- Buuin ang iyong portfolio para maipakita ang iyong galing.
- Mag-apply sa iba’t ibang freelance platforms.
10. Reselling Health & Beauty Products
Ano ito? Ang pagnenegosyo bilang reseller ay nangangahulugang ikaw ay bibili ng mga produkto ng health at beauty, tulad ng Human Nature, Avon and Forever Living. Mabibili mo ang mga produckto mula sa isang supplier o distributor at ibebenta mo ito sa iyong sariling mga customer sa mas mataas na presyo para kumita.
Magkano ang puhunan? Ang kinakailangang puhunan ay karaniwang nasa pagitan ng ₱3,000 hanggang ₱10,000. Ito ay depende sa dami ng produkto na gusto mong bilhin sa simula at sa mga brand na iyong gustong ibenta.
Bakit ito magandang negosyo? Ang mga produkto ng health at beauty ay palaging may mataas na demand dahil ang mga tao ay laging naghahanap ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang sarili at ang kanilang hitsura.
Hindi mo din kailangan ng malaking kaalaman o kasanayan para magsimula. Kailangan mo lamang maghanap ng maaasahang supplier at magsimulang magbenta.
Potensyal na Kita: Ang iyong potensyal na kita ay direktang nakasalalay sa iyong sipag sa pagbebenta at sa iyong mark-up.
Kung makakabenta ka ng mga produktong nagkakahalaga ng ₱10,000 sa isang buwan at mayroon kang average na 20% na tubo, ang iyong kita ay maaaring umabot sa ₱2,000. Kung mas mataas ang iyong benta, mas malaki ang iyong kita.
Tips para mas kumita:
- Pumili ng mga produktong patok sa merkado at may magandang reputasyon. Mag-research kung ano ang mga produkto na kasalukuyang hinahanap ng mga tao at kung ano ang mga brand na pinagkakatiwalaan na.
- Siguraduhing ang iyong supplier ay nagbibigay ng mga de-kalidad na produkto sa tamang presyo at may magandang serbisyo.
Agarang Tulong para sa Iyong Negosyo
Mahalagang tandaan na hindi hadlang ang iyong kasalukuyang pagiging empleyado para magsimula ng sariling negosyo. Ang pagnenegosyo ay maaaring pandagdag na kita o kaya naman ay isang oportunidad para sa iyong mga magulang o kapatid.
Ang susi ay ang paghahanap ng negosyong akma sa iyong oras at interes, o kaya naman ay suportahan ang iyong pamilya sa kanilang pagnenegosyo.
Gayunpaman, madalas na kailangan ng panimulang kapital para masimulan anumang negosyo. Kahit limitado ang iyong puhunan o walang kang pang-kapital, hindi ito hadlang sa iyong pangarap na magnegosyo.
Dahil may sagot kami! Nandito na ang SweldoNa By GWC.
Kung kailangan mo ng agarang pondo, maaari mag-apply ng Salary Advance Loan sa SweldoNa by GWC. Mabilis ang proseso, kaya’t maaari kang magsimula agad sa iyong napiling negosyo.
Hikayatin lamang ang iyong employer na makipag-ugnayan sa amin para sa iyong oportunidad na ito!
Ano pa inaantay mo? Tara na sa SweldoNa by GWC.